Labing isang indibidwal na sakay ng tatlong bangkang pangisda ang arestado ng mga awtoridad sa akto ng ilegal na pangingisda sa Green Island, Brgy. Tumarbong, sa bayan ng Roxas, 11 ng umaga noong January 11.

Kabilang sa mga naaresto ay ang 45 taong gulang na boat captain na si Jay Arcena mula sa bangkang M/B Rei-an at mga kasamahan nito na sina Rogelio Casiao, 60 taong gulang, Aldrin Peña, 23 taong gulang at Alvin Almojeno, 27 taong gulang.

Mula naman sa M/B Grace of mercy ay naaresto ang 31 taong gulang na kapitan nito na si Cirilon N. Serrano at mga kasamahang nitong sina Roland Yungco, 47 taong gulang, William Orcio, 51 taong gulang, Raul Bulan, 25 taong gulang, Bruze Albert Gonzaga, 28 taong gulang at Graciano Nale, 40 taong gulang.

Arestado din mula sa bangkang M/B Jeankish ang kapitan nito na si Rener Nailon, 34 taong gulang.

Lahat sila ay pawang mga residente ng Puerto Princesa.

Sa report ng Palawan Provincial Police Office (PPO), magkatuwang ang Bantay Dagat ng bayan ng Roxas at Roxas Municipal Police Station (MPS) sa pagsasagawa ng seaborne patrol operation kung saan namataan ang tatlong bangka na nagsasagawa ng ilegal na pangingisda sa karagatang sakop ng nabanggit na bayan.

Nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa Municipal Ordinance 763-5, Series of 2020, Article IX, Section 84 o unauthorized fishing sa nasabing lugar ang mga ito, habang ang mga bangkang nabanggit ay nasa kustodiya ngayon ng Bantay Dagat.

About Post Author

Previous articleMahigit 200 na mga motorsiklo, na impound ng mga awtoridad sa Rizal
Next articleNew LPA looms over Southern Luzon, Visayas, and parts of Mindanao
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.