Larawan mula sa 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG)

Labing-isang mangingisda ang inaresto ng awtoridad matapos na mangisda, ngunit hindi rehistrado sa talaan ng lokal na pamahalaan, sa karagatang sakop ng Barangay Tagpait sa bayan ng Aborlan.

Ang mga inaresto ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) ay kinilalang sina Rannie Calampiano, Domizar Prieto, Albert Nunez, Zaldy Calampiano, Emmanuel Aurino, Al Ramirez, Renato Estorpe, Aljune Cantado, Reymar Duro, Dindi Calampiano Sr., at Raffy Manalo, na mga residente rin ng nasabing bayan.

Ayon sa report ng 2nd SOU-MG, nagsasagawa nang seaborne patrol operation ang kanilang tropa mula sa Quezon Special Boat Unit (SBU) sa nasabing lugar nang mamataan ang bangka ng mga ito ilang metro mula sa baybayin ng Brgy. Tagpait.

Nilapitan ang mga ito upang alamin kung naka-rehistro ang mga bangka at legal ang pangingisda, ngunit walang naipakitang dokumento ang mga mangingisda.

- Advertisement -

Ang mga nabanggit ay dinala kasama ang bangka ng mga sa Quezon SBU detachement. Nahaharap sila sa reklamong paglabag sa Section 51 ng Aborlan Municipal Ordinance No. 8, Series of 2016, kung saan may kaukulang multa ang kanilang violation.

Previous articleCoron settlers denounce forced demolition by company guards
Next articleSolo parents sa bayan ng Rizal, lumahok sa tatlong araw na dressmaking training
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.