ILIGAL NA TUPADA: Ang mga nakumpiska mula sa mga inaresto dahil sa iligal na tupada.

[UPDATED] Sampung indibidwal ang nadakip ng awtoridad, samantalang nakatakas naman ang iba pa nilang kasamahan, sa dalawang magkahiwalay na operasyon laban sa iligal na sabong sa mga bayan ng Araceli at Cuyo nitong araw ng Linggo, Disyembre 5.

Dakong 5:50 nang hapon ay sinalakay ng operatiba ng Cuyo Municipal Police Station (MPS) ang isang iligal na tupada sa Sitio Linog, Brgy. San Carlos, kung saan nadakip matapos na maabutang aktwal na nagsasagawa ng sabong ang apat na indibidwal na kinilalang sina Rolly Hermoso Apgao, 35 taong gulang; Richard Padul Hermoso, 42; Jordan Amo Bendecio, at Dante Amo Bendecio, 28. Nakatakas naman ang isa pa nilang kasama.

Sa report ng Palawan Police Provincial Office (PPPO), isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa iligal na tupada sa nasabing lugar na agad naming inaksyunan ng operatiba ng Cuyo MPS.

Nakumpiska ng mga operatiba ang tatlong buhay na manok, dalawang patay na manok, perang nagkakahalaga ng P20, isang pirasong tari at iba pang kagamitang pangsabong.

- Advertisement -

May nadakip din ang operatiba ng Araceli Municipal Police Station (MPS) na anim na indibidwal matapos na pasukin ang iligal na tupada sa Bintuan, Sitio Baing sa Barangay Mauringen, dakong 3:20 ng hapon. Hindi na pinangalanan ang mga ito.

Nakuha sa lugar ang isang patay na manok na panabong, dalawang buhay na manok, dalawang pirasong tari, at perang nagkakahalaga ng P500.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na may kinalaman sa iligal na sabong.

Ilan pa ang mabilis na tumakbo patungo sa gubat at nakatakas.

Previous articleEnvironment authorities release male pangolin back to the wild following repatriation
Next articleKaanak ng 4 na nawawalang pasahero ng bangka mula Boracay, humihingi ng tulong sa mga Palawenyo
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.