1 COVID-19 death, dalawang bagong active cases sa Roxas

Muling nagtala ang bayan ng Roxas ng dalawang bagong kaso ng COVID-19 at isa ang naitalang namatay nitong araw ng Biyernes, Mayo 14.

Ang namatay ay isang lalaking 67 taong gulang na mula sa Barangay 1. Siya ay namatay sa Ospital ng Palawan (ONP) at may comorbidity. Ang dalawang bagong kaso naman ay mga lalaking may edad 43 at 25 na nagmula sa Barangay 4.

Ayon kay Dr. Leo Salvino, municipal health officer ng Roxas, ang dalawa ay isinailalim sa rapid test at RT-PCR noong Martes. Natanggap nila ang positive result noong Mayo 14.

Dagdag niya, ang pasyenteng namatay ay na-stroke subalit nag-positibo rin sa RT-PCR test.

Sa kasalukuyan ay mayroong 40 aktibong kaso ng COVID-19 sa Roxas at dalawang naman ang naitalang namatay.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry