Western Command, nagsagawa ng medical and dental mission sa lungsod


Nagsagawa ng isang medical at dental mission program ang Western Command sa anim na paaralang elementarya sa Puerto Princesa noong Martes, Pebrero 28, bilang bahagi ng kanilang ika-40 anibersaryo, at kasabay na rin ng pagdiriwang ng Parents and Teachers Association (PTA) Day.

Kasama sa nakatanggap ng nasabing serbisyo ang Puerto Princesa Pilot Elementary School, West Central School, East Central School, Don Ramon Roces Elementary School, Gregorio Oquendo Memorial Elementary School, at Mauricio Reynoso Memorial Elementary School.

Pinangunahan ng Naval Forces West at ng 570th Composite Tactical Wing ang serbisyong dental, habang ang Camp General Antonio Ricarte Hospital o CGARHS ang nagbigay ng serbisyong medikal.

Kasama sa mga nakibagi sa nasabing aktibidad ang mga estudyante at kanilang mga magulang at mga guro ng mga nasabing paaralan. Ayon sa mga ito, Malaki ang kanilang pasasalamat sa tulong na natanggap.

Ang nasabing program ay isang paglalapit umano ng ugnayan ng mamayan ng Puerto Princesa sa sandatahang lakas ng Western Command. Marami pa umanong inihandang aktibidad ang Wescom bilang parte pa rin ng kanilang pagdiriwang ng 40th anniversary sa Marso 6.


You may also like...