Water District nagbabala sa maaaring epekto ng El Niño Phenomenon sa supply ng tubig


NAGBABALA ang pamunuan ng Puerto Princesa City Water District (PCWD)  sa mahigit 34,000 na consumers nito na paghandaan ang posibleng kakulangan sa supply ng tubig ngayong tag-araw.
Ayon kay Antonio Jesus Romasanta, general manager ng PPCWD ang kasalukuyang pinagkukunan ng tubig sa Bgy. Irawan ay sahod-ulan lamang  kung kaya kapag dumadating ang ganitong panahon ay bumababa ang lebel ng tubig sa dam.
Ang huling naitalang pag-ulan ng malakas sa lungsod ay noong ika-11 ng Pebrero taong kasalukuyan. Ang inaasahang pinagkukunan ng tubig sa kasalukuyan ay ang mga ground water sources kagaya ng deep wells ng water district na makikita sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.
Batay sa pag-aaral ng water district, ang lungsod ng Puerto Princesa ay nangangailangan ng 14,000 cubic meters ng tubig bawat araw subalit sa kasalukuyan umaabot lamang sa 8,000 cubic meters ang nakukuha mula sa mga deep wells.
Gayunpaman, nagpapasalamat na lamang si G. Romasanta dahil sa kasalukuyan hindi nauubusan ang mga deep wells na ito sa kabila ng matinding init ng panahon.
Samantala, hinhintay na lamang ng water district na masisimulan ang Montibe-Lapu-lapu River Water System  upang makatulong sa pagsiguro ng maayos na supply ng tubig sa lungsod. Hinhintay na lamang ang dokumento mula sa Department of Justice dahil ang proyekto ay matatagpuan sa loob ng hurisdiksyon ng Iwahig Prison ang Penal Farm.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.