Tropa ng Marines “pinaputukan” sa San Vicente


Isang insidente ng inakalang pamamaril sa mga kaanib ng Philippine Marines ang naganap kanina bandang 3:40 ng hapon sa Itabiak, San Vicente, Palawan.

Ayon kay Col. Dennis Hernandez, Commander ng 4th Marine Batallion Landing Team (MBLT-4), galing ang kanyang tropa sa isinagawang “Carat 2016” sa Inagawan, pabalik na umano ang mga sundalo sa San Vicente, subalit biglang nagulat sa umalingawngaw na putok. Dahil inakalang may engkuwentro, rumesponde ang kanyang tropa subalit wala nang gumanting putok buhat sa inakalang kalaban.

Isang sundalo umano ang nasaktan, subalit ayon kay Hernandez, hindi dahil sa tama ng baril sa halip ay nasaktan lamang sa “komosyon.”

Agad namang nagsagawa ng clearing operation ang mga sundalo. Nilinaw din ni Hernandez na base sa kanilang inisyal na pagtaya, walang ambush o engkuwentro na naganap.

You may also like...