Tips Sa Pagiging Matalinong Konsyumer


Sa panahon ngayon, mas wais at mapagmatyag na ang mga konsyumer sa bawat produkto at serbisyong kanilang binabayaran. Dahil na rin sa pagkakaroon ng mga facebook o twitter accounts, mas nagiging aktibo ang mga konsyumer sa paghahain ng reklamo o pagbibigay ng mga rekomendasyon. Narito ang ilang tips sa pagiging matalinong konsyumer sa lahat ng panahon:

 

  • Magkalap ng impormasyon sa mga produktong nais bilhin. Magbasa muna ng mga reviews upang masiguro na maaasahan at naaayon sa kagustuhan ang features ng nais bilhin. Malaking tulong din ang mga reviews dahil sa mga firsthand na impormasyon ng produkto.

 

  • Mag-canvass ng mga presyo ng produktong nais bilhin. Minsan ay magkakaiba ang presyo ng produkto na nais bilhin sa merkado. Maaaring may produkto na mahal sa isang tindahan ngunit mura naman sa kabila. Siguraduhin lamang na ito ay orihinal at mapagkatitiwalaan ang bibilhan.

 

  • Maging maingat sa pagbibigay ng personal details kapag sa online bibili. Mag-ingat sa mga nagkukunwaring lehitimong online shops. Mas mabuti rin kung bumili lamang sa mga shops na rehistrado sa department of trade and industry (dti) na may nakapaskil na business permit.

 

  • Itago ang resibo ng mga gadgets o appliances. Kung magkaroon man ng problema sa nabiling gamit, maaaring ibalik ito agad kung naitago ang resibo. Ito ang patunay na nabili talaga ang produkto sa tindahan. Kung thermal paper ang ginamit, magpaphoto copy nito.

 

  • Magbigay ng feedback sa mga serbisyo at produktong nabibili. Malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga negosyo upang makita rin nila kung saang aspeto pa sila dapat mag-improve.

 

 

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...