=

Tindahan sa Rizal, pinasok ng mga kawatan


Isang tindahan sa bayan ng Rizal ang nilooban at ninakawan ng tatlong hindi pa nakikilalang mga tao nitong Marso 21 ng alas 11:00 ng gabi.

Ang biktima at may-ari ng tindahan ay ang 53 anyos na si Arinda Abdulana nakatira sa Sitio Isugod, Barangay Bunog.

Ayon sa kwento ng biktima na isinalaysay ni PSI Ric Ramos, information officer ng provincial PNP, tinutukan siya ng baril ng isa sa mga suspek at tinalian ng kumot ang kanyang bibig upang hindi siya makasigaw.

Tinangay ng mga suspek ang cash na nagkakahalaga ng P5,000 at ang relos na nagkakahalaga ng anim na libong piso.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ng Rizal Municipal Police Station ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito para sila ay maaresto.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...