Tatlong taong takas na detenido ng Provincial Jail, nahuli na


Matapos ang mahigit tatlong taong pagtatago maibabalik na sa Provincial Jail si Alfredo Abelarde y Moncatar, 33 anyos sa tulong ng pinagsamang pwersa ng PNP-Narra, Palawan Provincial Police Office Intelligence Branch, at mga tauhan ng Provincial Jail.

Si Moncatar ay residente ng Brgy. Antipuluan, Narra at nahuli noong Martes, Nobyemebre 17,  pasado alas-syete ng umaga.

Ayon kay Police Senior Inspector Roel Lagrada, deputy chief ng Narra Municipal Police Station, matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang nasabing pugante.

“Mahigit tatlong taon na ang nakaraan nang tumakas ito. Nagpalipat-lipat lang siya ng lugar. Nagtrabaho pa ito sa bayan ng Quezon, noong akala niya ay malamig na ang kaso niya, bumalik na ito sa kanilang lugar sa Antipuluan, Narra.” ayon kay Police Senior Inspector Lagrada.

Sa panayam kay Abelarde, sinabi nito ang umano’y pangha-harass ng mga mayor ng selda sa Provincial Jail kaya siya tumakas.

Sa ngayon, inihahanda na ng PNP-Narra ang mga kaukulang dokumento para maibalik na sa Provincial Jail ang takas na bilanggo.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...