Tatlong tao patay dahil sa aksidente sa motorsiklo

File Photo Courtesy of Paul Henderson

Dalawang aksidente sa motorsiklo ang naganap sa magkakahiwalay na lugar kahapon sa Lungsod ng Puerto Princesa na ikinamatay ng tatlong tao.

 

Dakong 3;45 ng hapon, Martes, ika-8 ng Disyembre, nagkabanggaan s national highway ng Brgy. Salvacion ang dalawang motorsiklo matapos itong magsalubungan. Ang isang motorsiklo ay patungo sa lungsod sakay ang driver at ang anak nito na tatlong taong gulang. Ang isang motorsiklo naman ay minamaneho ng isang empleyado ng Puerto Princesa City Water District ay patungo umano sa Brgy. Maruyugon.

 

Ayon kay  SPO1 Alan Remojo ng Irawan Police Station, sa lakas ng banggaan nawalan ng malay ang dalawang driver samantalang sugatan ang bata.Parehong walang suot na helmet ang dalawang driver nang maganap ang insidente.

 

Agad na isinugod sa pagamutan sa lungsod ang mga biktima subalit idineklang dead on arrival si  Leo Domacia na empleyado ng PPCWD. Ang tatay naman ng bata na si Macario Caabay na resident ng Brgy. Maruyugon ay namatay na rin kaninang umaga samantalang ang bata ay himalang nakaligtas.

 

Ayon kay SPO1 parehong helmet ang mga driver ng motorsiklo.

 

Kaninang madaling araw naman, Miyekules, ganap na 12:30 ng umaga nagbanggaan ang motorsiklo na minamaneho nina Sarona Cesto Mucoy at Rogelio Cuyno sa Brgy. San Miguel.

 

Agad na namatay si Mucoy, 26 anyos at residente ng Brgy. Sna Jose dahil sa tindi ng tama sa kanyang ulo dulot ng banggaan.

 

Pareho umanong lasing ang dalawang driver nang maganap ang aksidente. (with reports from Paul Henderson)

 

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...