Tatlong Kongresista ng Palawan nais ayusin ang proseso sa klasipikasyon ng lupa


Nais pabilisin ng tatlong kongresista sa lalawigan ng Palawan ang pagsasaayos ng proseso ng klasipikasyon ng lupain sa Palawan.

Sa pagpupulong kamakailan nina 1st District Congressman Chicoy Alvarez, 2nd District Congressman Erick Abueg at 3rd District Congressman Gil Acosta Sr. kasama sina PENRO Zaldy Cayatoc ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Dir. Nelson Devanadera ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), tinalakay ang isyu ng land classification sa lalawigan.

Ang pagpapabilis sa land classification ay bunsod ng malaking problemang kinakaharap ng mga Palawenyo
dahil sa hindi masusing pag-unawa sa land classification, partikular sa forest land at agricultural land na tinitirhan na ng maraming residente.

Minabuti ng tatlong kongresista na magsanib-puwersa at aksyonan ito sa pamamagitan ng panukala at ito ay sisimulan sa pamamagitan ng paglikom ng datos na magiging basehan ng nilalayong panukala. Ang magiging panukalang batas ay nakatuon sa pagsasaayos ng masalimuot na proseso ng pagmamay-ari ng lupa.

Patuloy na pakikipag-ugnayan at pagsagawa ng konsultasyon ng tatlong distrito sa DENR at PCSD na susundan ng feedback session bago pa masimulan ang paglikha ng panukalang batas.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina Atty. Jefrie Sahagun ng unang distrito at Atty. Michelle Acosta ng ikatlong distrito.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...