Tatlong drug suspects, arestado sa Brooke’s Point


Tatlong pinaghihinalaang tulak ng shabu sa bayan ng Brooke’s Point ang inaresto ng mga pulis at agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4B noong Lunes, June 11.

Kinilala ang mga ito na sina Jessie Raña, 38, Garlito Masteli, 44, kapwa residente ng Barangay Tubtub, at Alex Bernal, 38, residente ng Sitio Mate, Barangay Pangobilian.

Inaresto sila matapos ang buy-bust operation bandang 3:49 a.m. na ikinasa ng Brooke’s Point Municipal Police Station, PDEA 4B at Provincial PNP Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Senior Insp. Bronson Caramto at Chief Insp. Romerico Remo.

Ayon kay Caramto, narekober mula sa mga suspek ang two heat-sealed transparent plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu, isang kutsilyo, isang scabbard, isang piraso ng P500 na marked money, P320 bills, XRM Honda motorcycle at iba pang paraphernalia.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A. 9165) ang tatlong suspek na nakakulong sa Brooke’s Point.

You may also like...