Suspek sa pananaksak sa Bgy. San Miguel, huli ng mga otoridad


Bumagsak sa kamay ng mga otoridad si Arnulfo Tegas, 48 taong gulang, residente ng Bgy. San Pedro noong Lunes, Pebrero 6 matapos manaksak sa Bgy. San Miguel.

 

 

 

Matatandaang nitong Sabado, Pebrero 4, alas-12:20 ng tanghali, sinaksak  sa kanang bahagi ng tadyang si Joel Gorosin, 39, negosyante, residente ng Bgy. San Miguel.

 

 

Agad namang nahuli ang suspek sa isinagawang manhunt operationg ng Mendoza PNP.

 

 

Ang suspek ay nasa ilalim ng kustodiya ng Mendoza Police Station at haharap sa kasong Frustrated Homicide.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...