Suspek sa pamamaril sa isang negosyante, hindi pa rin natutukoy


Hindi pa rin natutukoy ng mga otoridad ang responsable sa likod ng pamamaril sa isang negosyante sa lungsod ng Puerto Princesa kamakailan.

Matatandaan na noong Enero 29, alas-2:40 ng madaling araw, binaril si Alexander Onghocgan, kilalang may-ari ng A&A Plaza Hotel.

Nitong Lunes, Enero 30, sinimulan na ng mga awtoridad ang man-hunt operation at mga CCTV footage review upang ma-trace ang mga suspek.

Sa panayam ng Palawan News ngayong araw kay Police Inspector Pearl Manyll Marzo mayroon nang mga posibleng witness na magsasabi o nakakita sa insidente. Patuloy aniya na tinututukan ng mga operatiba ang mga itinuturo nitong suspek sa pamamaril sa negosyante. Subalit hindi pa ito maaaring ilabas sa publiko hanggang hindi pa kumpleto ang isinasagawang imbestigasyon.

Patuloy pa rin ang pagpapaigting ng seguridad sa biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan sa lungsod.

You may also like...