Suspek sa pamamaril sa isang inn huli


Nahuli na ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa pagbaril kay Alvino Dingcohong, empleyado sa pamahalaang panlalawigan , residente. ng Bgy. Bancalaan, Balabac na binaril noong ika-5 ng Mayo, taong kasaukuyan.

Ang suspek na si Constantino Seidel y Davor, muslim, may asawa ay nahuli ng mga miyembro ng Mendoza Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Alevic Rentino.

Naaresto si Seidel pasado alas singko ng kahapon, Martes,  sa kapitoyo. Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Angelo Arizala ng regional trial court.

Kasong murder na may criminal case number 31402 at walang kaukulang piyansa ang  isinampa laban sa  suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mendoza PNP ang akusado. Ito ay nakatakdang ilipat sa city jail.

Madaling araw ng ika-5 ng Mayo ng barilin ang biktima sa loob ng isang inn sa lungsod gamit ang 9mm na baril. Agad na namatay si Dingcohong matapos itong tamaan ng bala sa leeg.

Lumalabas sa imbestigasyon na magkasama ang dalawa sa inn ng mangyari ang pamamaslang. Posible umanong ang dahilan ng krimen ay ang hindi pagkakaunawaan sa bentahan ng droga.

 


You may also like...