Suspek sa pagnanakaw, arestado sa videoke bar


Hindi na nakapalag ang isang lalaki matapos siyang posasan ng mga pulis sa loob ng isang videoke bar kagabi, June 3, sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong pagnanakaw na kinasangkutan niya pitong taon na ang nakalilipas.

Ang inaresto bandang 9 p.m. kagabi ay kinilalang si Danrico Canlit, 25 anyos, at residente ng Jalandoon Dulo, Barangay San Pedro, na ayon sa mga pulis ay minor pa ng isagawa ang krimen.

Sa pahayag ni Canlit sa mga pulis, hindi umano niya na-realize na hanggang ngayon ay tumatakbo ang kasong pagnanakaw laban sa kanya at sa tatlo pa niyang nakasama dahil matagal na daw itong naiatras ng complainant.

Ayon sa report ng pulisya, taong 2010 pa ng mahuli ito at ang mga kasamahan sa aktong hawak at ibinibiyahe ang diumano ay ninakaw na TV papunta sa bahay nito sa San Pedro.

Isang Jiboy Perez lamang daw ang nag-alok sa kanya noon ng TV sa halang P500 kaya agad siyang nagka-interes.

Sa pagsisiyasat, nalaman din na si Canlit ay dati ng nakulong dahil sa kasong direct assault matapos manlaban sa mga barangay tanod noong 2014.

Nasa pangangalaga siya ngayon ng city PNP at nakatakdang ibalik sa kanyang court of origin para sa disposisyon ng kanyang kaso.

You may also like...