Suspek sa “chop-chop” killing sa Narra boluntaryong sumuko


Boluntaryong sumuko sa Provincial Intelligence Branch ng Palawan Police Office si Pepito Poral, 22 anyos at suspek sa pag “chop-chop” kay Josellito Iligan alyas “Kano” noong 2010 sa bayan ng Narra.

 

Ayon kay Police Superintendent Vicente Cabatingan, hepe ng PIB-Palawan, halos anim na taon umanong nagpalipat-lipat ng lugar si Poral bago ito sumuko sa mga otoridad kamakailan. Nabatid na nagtago ang suspek sa probinsiya ng Iloilo at Negros kasama ang kanyang kapatid na si Felipe Poral na kasama rin sa pagpatay sa biktima.

 

Noong ika-26 ng Enero taong kasalukuyan nahuli ng mga otoridad si Felipe Poral na rank no. 10 “most wanted” person sa provincial level ng Manhunt Charlie ng Palawan PNP. Matapos  mapanood ni Pepito sa telebisyon na nahuli na ng mga otoridad ang kanyang kapatid nagdesisyon na ito na sumuko.

 

Ayon kay Cabatingan ang motibo umano ng mga suspek sa pagpatay sa biktima ay dahil sa pagseselos ni Felipe, matapos na nakitang nagbubulungan ang girlfriend nito at ang biktima na si alyas “Kano”.

 

Pinagtataga umano ng napakarami ng mga suspek ang biktima, habang natutulog ito matapos ang kanilang drinking session at ibinaon ang pira-pirasong mga katawan sa likod ng kanilang bahay.

 

Agad naman nadampot ng mga otoridad ang isa pang suspek na sangkot sa pangyayari na si Jay-r Estrada na sa ngayon ay kasama na rin ng magkapatid na nakapiit sa provincial Jail.

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...