Sulat ng NPA na umano’y umaamin sa nangyaring ambush sa Bataraza iniimbestigahan ng Palawan PNP

Bahagi ng umano’y sulat mula sa Bienvenido Villaver Command

Inaalam pa ng Palawan Provincial Police Office kung totoong nagmula sa Bienvenido Vallever Command ng New Peoples Army ang sulat na nagpapahayag ng pag-amin sa nangyaring ambush sa Brgy. Tarusan, Bataraza, Palawan noong ika-11 ng Nobyembre.

Sa panayam ng Palawan News kay Police Senior Superintendent Bejamin Acorda, Jr., director ng PPPO sinabi nito na wala pa silang natatanggap na sipi ng naturang sulat subalit ito umano ay iniimbestigahan na ng kanilang inteligence group.

Ang Palawan News ay mayroong sipi ng sulat na may logo ng Bagong Hukbong Bayan subalit ito ay walang lagda, ipinadala sa email at naka-word format.

Nakasaad sa sulat na sulat na matagumpay umano nilang nailunsad ang nanyyari gamit ang command detonated explosive na ikinasugat ng dalawang pulis at driver ni Board Member Abraham Ibba.

Ayon sa sulat, ang dahilan ng kanilang ginawa ay ang umano’y laganap na pagbebenta ng iligal na droga sa bayan ng Bataraza subalit wala umanong ginagawang aksyon ang lokal na pamahalaan.

“Ang inilunsad na operasyon ng BHB noong Nobyembre 11 ay lehitimo at batay sa impormasyong madalas naipaabot sa komand ukol sa mga shipments ng droga sa nasabing bayan na madalas ay may escort na mga pulis at kung minsan ay mga tauhan pa ng Philippine Marines. Bilang tugon sa kahilingan ng mamamayan ikinasa ng BHB ang aksyong pamamarusa,” nakasaad sa sulat.

Sinisikap na kunan ng pahayag ng Palawan News si Board Member Ibba hinggil sa umano’y sulat na ito ng Bienvenido Villaver Command.

Sa panayam kay Director Acorda sinabi nito na ginagawa nila ang lahat upang masugpo ang problema sa droga at ang ganitong uri ng alegasyon ay kanila umanong aalamin kung ito ay totoo.

“Ginagawa po natin lahat ng makakaya sa pagsugpo ng droga and we only act based on what we know. Ang mga allegations na ‘yan are worth looking to,” ayon kay Acorda.

Pinalitan na chief of police ng Bataraza ilang araw na ang nakakalipas at ito ay inilipat sa bayan ng Linapacan.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...