Special Training for Employment Program, suportado ni Kabarangay Acosta


Suportado ni Congressman Gil “Kabarangay” P. Acosta ang Special Training for Employment Program (STEP), katuwang ang pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), para sa mga kabarangay na nais makahanap ng magandang trabaho kahit hindi nakapag-aral ng elementarya, sekondarya o kolehiyo, mula 15 hanggang 55 taong gulang.

Ang program ay nagkakaloob ng mga short/ vocational courses na magagamit ng ating mga kabarangay sa kanilang pag-unlad o maging sa kanilang paghahanap-buhay. Ilan sa mga ito ay ang Bread making (leading to bread and pastry production NC II), Perform manicure and pedicure (leading to beauty care NC II), Perform gas engine (leading to automotive servicing NC I), Service motorcycle/ small engine system (leading to motorcycle/small engine servicing NC II), Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC I.

Samantala, ipinagpatuloy naman ni Kabarangay Acosta ang nasimulan ng naturang programa noon pang nakaraang taon.

Sa katunayan, sa pakikipagtulungan ng Narra Institute of Technical Education Inc. bilang training provider, 164 na benepisyaryo ang nakapagtapos sa STEP- TESDA sa mga kursong Scaffolding, Transport Refrigeration and Air- Conditioning Servicing, Perform Facial Treatment Leading to Beauty Care NCII, Service Engine Mechanical Components (leading to automotive servicing NCII), Perform Diesel Gas Engine Tune Up (leading to automotive servicing NCI), Service Automotive Battery (leading to automotive servicing NCII). Kabilang sa mga ito ay sina Butch Aldrin Z. Escala, James B. Galicia, Joseph B. Jarme, Michael P. Joseph, at Raymund Z. Ponciano na ngayon ay kasalukuyan nang nagtatrabaho sa iba’t-ibang mga bansa. Bukod pa sa sertipiko na kanilang natanggap ay maroon ring tool kits at allowance na ipinamigay.

Sa kasalukuyan, mayroon nang humigit-kumulang 160 partisipante para sa naturang programa. Para sa iba pang mga katanungan at mga nais magpalista, tumungo lamang sa Capitol Compound, Fernandez St. Brgy. Tanglaw, Puerto Princesa City at hanapin si Bb. Annabel Lagrada.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...