Shuttle van nabangga sa tulay,isa ang patay


Patay na bago makarating sa pagamutan sa Lungsod ng Puerto Princesa si Caren Grace Lumicap isang turista na mula sa Cainta,Rizal matapos mabangga sa kongkreto at bakal na bahagi ng Tanabag Bridge sa Brgy. Tanabag (Km.7), Linggo,ika-6 ng Marso,alas singko ng madaling araw.

 

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mendoza Police Station,galing sa bayan ng.El Nido ang shuttle van na Nissan Urvan (Escapade) na may plate.number VVB 998 at minamaneho ni Madsam Bungcang,Jr.,31.anyos at residente ng Brgy.San Jose.

 

Sa lakas ng pagkakabangga ng van, tumilapon ng halos 10 metro ang taas sa kaliwang bahagi ng tulay at nahulog.

 

Nagtamo ng mga sugat ang driver at ang walong pasahero. Unang dinala ang mga pasahero sa San Rafael Satellite Clinic at  saka dinala ang mga ito sa mga pagamutan sa lungsod.

 

Wala umanong driver’s license ang driver ng van nang mangyari ang aksidente. Nahaharap ngayon sa kasong Homicide at Multiple Physical Injuries,and Damages to Property ang driver na si Madsam Bungcang.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...