‘SHAME ON PROSTI CANIDIDATES’- RUNNING PRIEST


 Ni Marjorie Ann G. Nangit

Pinangunahan ni Fr. Reyes ang run for HOPE kaugnay sa nalalapit na recall election.
Pinangunahan ni Fr. Reyes ang run for HOPE kaugnay sa nalalapit na recall election.

“Kung nagkakaisa talaga ang mga mamamayan ng Puerto Princesa, hindi mananalo dito ang isang kandidato na ginagawang prostitute ang kanyang mga nasasakupan” ito ang binigyang diin ni Fr. Robert Reyes sa isinagawang  run for hope kaninang alas sais y medya ng umaga mula Provincial Capitol Complex hanggang Puerto Princesa Coliseum.

AyoN kay Fr. Reyes, hindi maikakailang nangyayari sa tuwing sumasapit ang araw ng halalan ay may bumibili at nagpapabenta ng kanilang mga boto, at ang mga kandidato umano ang syang nagmimistulang bugaw para gawing “prostitute” ang kanilang mga mamamayan.

“We are not prostitutes. Shame on you candidates for turning your people into prostitutes, because you yourself are a big shameless prostitute,” ayon kay Fr. Reyes.

Samantala, si Mayor Lucilo Bayron lamang ang nakarating sa nasabing aktibidad, bagamat lahat naman umano ng mga kumakandidato sa pagka-alkalde ng lungsod ay nabigyan ng imbitasyon.

Kaugnay dito, matapos basahin ang panalangin at sampung mga hakbang para sa pagpapayabong ng punla kung saan mayroon itong dalawang panig – ang punla ng aking kalooban at punla ng sambayanan. Sama-sama naman na kanilang sinaksihan ang pagtatanim ng tatlong puno na sumasagisag sa kandidato, botante at kalooban ng Diyos.  Isa sa mga punong ito ay itinanim ni Mayor Bayron kasama ang representante ni Ex- Mayor Hagedorn. Ang ikalawang puno naman ay itinanim ng mga kabataan at ang huli ay pinangunahan ni Fr. Jasper Lajan ng PPCRV.

Ayon pa kay Fr. Reyes, pagkatapos ng aktibidad ay mamamahagi sila ng mga punla kasama ang mga kabataan sa mga terminal, palengke at mga waiting shed kung saan maraming tao para kanilang makausap ang mga residente na wag ibenta ang kanilang mga boto.

Payo pa nito na kailanman ay huwag kilalanin ang isang pulitikong gumagamit ng tatlong G – o Guns, Goons at Gold.

“Magising sana sa kamalayan ang lahat at huwag kailanman madala sa suhol at takot,” ayon dito.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.