SERBISYONG BAYRON: HINDI BUKAS, KUNDI NGAYON


May nagpapakalat ng malisyosong balita na ang ekonomiya ng Puerto Princesa ay patuloy na humihina. Ang mga taong ito ay hindi lang bulag kundi hindi rin marunong magbilang.

Ang kakatwa pa, ang ganitong uri ng paninira ay mas nagmumula sa sama ng loob at hindi sa sumasamang lagay ng ekonomiya ng syudad. Ang kanilang kritisismo ay itinulak ng politikal na motibo.

Kaya naman makikita sa record ng ating City Tourism Office (CTO) na dumarami sa halip na lumiit ang mga negosyo at mga establisyementong may kinalaman dito. Ang mga sumusunod ay matibay na palatandaan ng nagaganap na mabilis na progreso sa ating syudad.

Sumisiglang Ekonomiya ng Puerto Princesa

Ang 15 hotel noong 2013 ay nadagdagan ng 10 noong 2014 at naging 25. Ang pension houses ay naging 142 mula sa dating 128. Ang mga sasakyang panturismo ay nadagdagan ng 3.7%. Ang gasolinahan ay naging 33 mula sa 15,ang bilang ng mga restaurant ay naging 182 mula sa dating 133. Ang iba pang mga kaakibat na negosyo ay nadagdagan din.kalatas 1 (1)
Alam naman nating lahat na habang dumarami ang economic activity ng mga negosyong may kinalaman sa turismo, lumilikha ito ng direkta at hindi direktang trabaho sa loob at maging sa labas ng Puerto Princesa.

Ayon sa ulat ng ating Public Employment Service Office (PESO) ang bilang ng mga job vacancies solicited locally ay lumaki ng 186% sa pagitan ng 2013-2014, bagamat bumaba ng bahagya ang job applicants deployed locally (9.17%). Lumaki rin ng 125% ang bilang ng mga job fairs na pinangunahan ng PESO.

Upang higit pang mapabuti ang ating mga programang panturismo nagsagawa ng regular na inspeksyon ang ating lokal na pamahalaan sa mga nasabing establisyemento para tiyakin ang kalidad ng kanilang serbisyo sa mga lokal at dayuhang bisita. Patuloy pa rin nating pinapalawak ang ating mga information at promotional campaigns tulad ng “Iskultour”, trade exhibits, tourism expositions at iba pang istratehiya upang higit pang makaakit ng maraming bisita.

AGRIKULTURA Hindi lang sa larangan ng Turismo kundi maging sa agrikultura ay ipinupunla natin ang pag-unlad. Sa report ng ating Office of the City Agriculturist (OCA), makikita ang ating seryosong interbensyon upang maipatupad ang ating programa sa farm development.

Hanggang December 2014, ang ating apat na farm tractors na naka-deploy sa ibat-ibang barangay ay nakatulong sa pagbungkal ng kabuuang 1,046 na ektarya ng sakahan sa 25 barangay ng Puerto Princesa. Mula ito sa pakikipagtulungan at ugnayan sa atin ng mga magsasaka.

Dahil sa serbisyong ito,umani ang Puerto Princesa ng kabuuang 3,595.89 metriko-tonelada ng ibat-ibang produktong argrikultural na may tinatayang halagang P75,990,700.

Tinutulungan din natin ang ating mga magsasaka sa pangangalaga ng mga high-value crops tulad ng mangga, mula sa pananalasa ng peste. Kabalikat ng ating City Agriculutrist ang ating City Veterinarian sa pagtiyak na naaalagaan din ng mabuti ang ating mga alagang hayop. Sa kabuuan ay mayroong 37% na pagtaas sa bilang ng mga benipisyaryong napagsilbihan at 21% na paglaki sa bilang ng mga hayop na nalapatan ng serbisyo tulad ng bakuna, deworming at vitamin injection treatment, artificial insemination, animal dispersal, paglunsad ng mga seminar, regular na monitoring at information dissemination.

Mahalaga ang mga sebisyong ito sa mas malawak na programa natin sa livestock production na kinabibilangan ng livestock, swine, goat at duck breeding, raising loan program, hatchery services, disease surveillance at monitoring at castration ng mga baka at kalabaw.

Ipinapatupad din natin ang programa sa bottom up budgeting ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng native chicken production at dispersal program, swine production at livestock at working animal dispersal tulad ng kalabaw.

Karugtong nito ang programa natin sa public health tulad ng ante-mortem at post-mortem meat inspection, pagpapahigpit ng regulasyon sa pagrehistro at pagpapalisensya sa mga slaughter house at kanilang mga condemned animal parts at carcasses.

Dagdag pa rito ang pinakamalaking programang pang-imprastraktura tulad ng farm-to-market roads at food terminal. Marami pang detalye ang report natin sa agrikultur- mula sa pagpaparami ng ating mga nursery at mga propagating farms, development ng vermiculture at pagpaparami ng mga high-yielding varieties ng mga prutas at gulay. Kabilang din dito ang iba pa nating ginagawang suporta tulad ng technical assistance, trainings, livelihood projects, institutional development sa ibat-ibang sektor ng agrikultura at pangangalaga sa ating yamang dagat. Aktibo rin tayo sa mga exhibits at trade fairs para i-promote an gating mga produkto.

YAMANG DAGAT Bukod sa magandang mga resort, kilala rin tayo sa taglay na yaman ng ating karagatan. Kaya nakatuon ang ating programa hindi lang sa pangangalaga at pangangasiwa ng kayamanang ito kundi sa pagpapahusay din ng ating kakayanang umani ng mga biyayang produkto mula rito sa pamamgitan ng iba-iba ngunit sustenableng pamamaraan ng maricuture. Dahil dito, hindi lamang sustenado ang produksyon ng ating mga yamang dagat, tumataas din ang kita ng syudad mula sa operasyon ng ating mga fishport.

MGA BAGONG NEGOSYO Isa ring matibay na palatandaan ng ating sumisiglang lokal na ekonomiya ang dumarating bilang ng mga bagong negosyong nirerehistro at itinatayo sa ating syudad. Ayon sa ating business licensing office, may kabuuang pagtaas na 17.26% na establisyemento ang nairehistro sa syudad sa pagitan ng 2013-2014.

table1

MAHALAGANG HAKBANG TUNGO SA BAGONG PUERTO PRINCESA Malinaw sa mga ipinakita nating numero, larawan at listahan ng ating mga nagawa at kasalalukuyan pang ginagawa at isasagawa pang mga programa na walang anumang katiting na dahilan para magdudang nanghihina ang ekonomiya ng Puerto Princesa.

TULOY-TULOY NA SERBISYONG BAYRON

Dapat ikatuwa ng ating mga kababayan na gumaganda ang lagay ng ating lokal na ekonomiya at lumalaki ang kita ng ating lokal na pamahalaan dahil sa mga ginawa nating repormang institusyonal. Sapagkat katumbas nito ang paglawak at tuloy-tuloy na serbisyo sa mga mamamayan.

Ang SERBISYONG BAYRON ay hindi bukas kundi NGAYON! Kung walang aktwal na serbisyo ang pamamahala ng sinumang opisyal, isa itong buladas kundi man kababalaghan. Simulan natin sa ating mga paborito, ang mga lolo at lola dahil utang natin sa kanila ang ating buhay.

SENIOR CITIZEN Tumaas ang bilang ng nabigyan natin ng burial assistance ng 19%. Noong 2014 ay tumaas ng 79% ang nabigyan ng financial assistance kumpara noong 2013. Ang nakatanggap naman ng social pension ay tumaas ng 66%. Ang mga nabigyan naman ng purchase booklets para sa gamot at groceries ay tumaas ng 19% mula sa 12%.

Nakapagpalabas din ng mahigit tatlong libong Senior CItizens’ ID. Bukod sa mga nabanggit, binigyan din ng transportation assistance at food assistance ang mga labis na nangangailangan sa ating mga nakatatanda.
Sa kabila ng kanilang edad ay hindi natin sila pinapabayaan. Sa panunguna ng ating Office of Senior Citizens Affairs, tayo ay naglulunsad ng mga aktibidad para sa kanila.

Needy Adults
Sa pagitan ng isang taon, dumoble ang nabigyan ng educational assistance (112.19%). Doon naman sa mga inoorganisa sa PAGASA Youth Association, tumaas ng 209.03% ang nabigyan ng leadership at capability building program. Mahigit dalawang libo rin sa kanila ang nabigyan ng oryentasyon at training para sa People’s Participation. Dagdag pa rito, hindi lamang access sa academics studies ang binibigyang pagpapahalaga para sa ating mga kabataan. Suportado rin ang kanilang programa sa pampalakasan o sports.

CHILDREN Sa hanay ng mga bata at menor de edad, ang naserbisyuhan ng Daycare Services na center-based, supervised neighborhood play, at home-based (TAWAG) ay lumaki ng 67.86%. Dito sa center-based ay may kasama pang feeding program. Lumaki rin ang bilang ng naserbisyuhan ng ating city at barangay libraries.

Sa mga menor-de-edad naman, lumaki ang bilang ng nabgyan ng serbisyo tulad ng temporary sshelter, counselling, at suporta sa court-related hearings. Tinutulungan din ng lokal na pamahalaan ang mga children at risk, sexually abused, physically abused at maging ang mga biktima ng human trafficking.

PWDs Sa ating mga kapatid na PWD, nakikinabang na sila sa ating mga programa tulad ng Tuloy Aral Walang Sagabal o TAWAG. Tumaas ang bilang dito ng 53.33%, habang ang naipasok sa regular school sa ilalim ng SPED at DCS ay umabot nan g 241.66%. Lumaki naman ng 180% ang bilang ng mga nabigyan ng financial assistance, habang may kabuuang bilang na 2,380 ang nabigyan ng purchase booklets at allowance.

Binibigyan din ng uporta ang mga kababayan natin na may mga kapansanan sa pag-iisip sa pamamagitan ng Halfway House/Drop-In-Center Services for the Mentally Ill tulad ng gamot, matutuluyan, reintegrasyon sa kanilang pamilya at financial assistance.

SOLO PARENTS Patuloy din ang ginagawa nating serbisyo para sa ating mga solo parents. Binibigyan natin sila ng financial assistance at educational assistance para sa kanilang mga anak.

URBAN POOR Lahat ng programa para sa sector ng urban poor ay idinadaan sa maayos na proseso ng konsultasyon at pagpapalaganap ng mga tamang impormasyon. Sa pangunguna ng CMO’s City Urban Poor Affairs Office, ang lokal na pamahalaan at nakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang isaayos ang programa para sa ating mga informal settlers. Sa kasalukuyan ay may mga ongoing projects na tayong isinasagawa sa pangunguna ng CMO’s City Urban Development And Housing Office. Ilan dito ay tapos na at marami ang isinagawa na.

HEALTH Tignan na lang ang mga ginagawa ng ating City Health Office. Makikitang halos lahat ng mga programa ay tumataas ang bilang ng mga naseserbisyuhan at patuloy lamang itong tumataas. Makikita rin sa record mula sa pitong (7) Satellite Health Clinics/Hospitals ang paglaki ng bilang ng mga nabibigyan ng direktang serbsyo. Gayundin ang ating Project Damayan.

FIRE SERVICE Dinagdagan natin ang pondo ng City Fire Station. Kabilang na riyan ang dagdag na P 1,000 allowance sa 38 nitong active personnel. Pinauunlad din natin ang kanilang mga kagamitan.

Tuloy-tuloy rin ang paglulunsad ng City Fire Station ng mga training on fire prevention and control, pre-fire planning program, at fire suppression program hanggang sa lebel ng mga barangay.

KILOS-AGAD ACTION CENTERtable2

ANG ATING PATROL 117

  • 7,510 calls were answered/responded: 3,383 are emergency; 3,567 are non- emergency; and 560 are illegitimate calls.
  • 242 requests for review of CCTV catered.
  • Conducted IEC to 6 barangays by posting 150 emergency posters and 2,500 PUV stickers.
  • Six (6) personnel were sent for capability building/enhancement training
  • Installed new CCTV cameras in three (3) areas.
  • Replaced six (6) CCTV cameras from analog to digital high definition.

ANG ATING CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE

  • Conducted 11 DRRM- related trainings with 501 participants.
  • Conducted two (2) earthquake drills.
  • Updated the city’s CDRRM-CCA plan according to the NDRRMC format.
  • Conducted three (3) CDRRMC meetings and activated the CDRRMC Disaster Operation Center for typhoons Glenda, Basyang, Hagupit, Henry, Luis, Queenie and Senyang.
  • Attended seven (7) DRRM-related trainings.

ANG ATING BAYAN AGAINST NARCOTICS ADDICTION AND TRAFFICKING (BANAT)

  • Conducted 23 buy-bust operations on illegal drugs which resulted to the arrest of 22 suspected drug pushers and recovery of 171.55 grams of methamphetamine hydrochloride or shabu and 1,057.58 kilograms of marijuana with the estimated market value of Php 2,058,600.00.
  • Filed corresponding criminal cases before the City Prosecutor Office of Puerto Princesa to 23 suspects for violation of R.A. 9165; however, two (2) of which cases were dismissed for insufficient evidences.
  • Conducted campaign on preventive education and information on “illegal Drug Abuse” which include the following:
    • Campus caravans in 7 major schools/universities participated by 5,781 students.
    • Seminar on “Ako Responsableng Drayber Ayaw sa Ilegal na Droga” with 500 participants.
    • Fun-run “Takbo Laban sa Ilegal na Droga” attended b 1,500 participants.

ANG ATING CITY TRAFFIC MANAGEMENT OFFICEtable3

Sa kabuuan, ipinapahiwatig ng mga datos at impormasyon na ito ang tatag at kalidad ng Serbisyong Bayron, Hindi Bukas Kundi Ngayon. Walang dudang lahat ng mga nabanggit na mga social program ay umaandar, lumalawak at lumalaki ang bilang ng naseserbisyuhan.

Higit sa lahat, naaabot natin ang mga pag-unlad na ito sa kabila ng limitadong panahon. Mas higit pa rito ang nais nating marating tungo sa Bagong Puerto Princesa lalo na kung sapat ang panahon at pagkakataon.

Paid for by friends of Lucilo Bayron

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.