Salpukan ng motor sa Brooke’s Point, isa patay


Patay ang isang lalaki matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isa pang sasakyan noong June 30, 2018, sa kahabaan ng national highway sa Barangay Oring-Oring, Brooke’s Point, Palawan.

Ang biktima ay nakilalang si Alzrin Sali, 23, residente ng Barangay Oring-Oring, Brooke’s Point.

Isang ring motorsiklo na minamaneho naman nang isang nakilalang si Tido Ambuan, 68, at residente rin ng Barangay Oring-Oring, ang nakabanggaan ng biktima.

Naisugod pa sa Southern Palawan Provincial Hospital ang biktima subalit hindi na ito nailigtas.

Samantala, nagtamo naman ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan si Ambuan at ang mag-asawa nito na sakay din ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...