Ruta ng mga sasakyan para sa undas, kasado na


Nakahanda na  ang City Traffic Management Office (CTMO) para sa magiging ruta ng mga sasakyan sa darating na undas, ayon kay Allan G. Mabella, Special Operations Officer ng CTMO.

“Konti lang ang mababago sa traffic scheme natin ngayon kesa noong [mga] nakaraang taon,”aniya.

Dagdag pa ni Mabella, susubukan nilang buksan ang Abueg Road upang maging maluwag ang daloy nga trapiko sa mismong entrada ng New City Cementary. Matatandaan na ‘No Entry Area’ ang nasabing kalsada noong nakaraang undas.

Pinapaalala naman ng CTMO na hindi na maaring pumasok ang mga pampublikong sasakyan gaya ng jeep at tricycle sa mismong sementeryo at magtatalaga lamang sila ng loading at unloading zone sa Bonifacio Street, Barangay Bagong Sikat.

Panawagan naman ni Mabella sa mga bibisita sa sementeryo sa undas na iwasan ang “last minute preparation” dahil ipagbabawal din nila ang paghahatid ng mga gamit sa mismong araw. “Kung maari sana mas maganda na October 31 pa lang ay na set-up na nila ang kanilang mga tent at mga gamit para hindi na ito makadagdag sa traffic sa November 1,” aniya.

Pansamantala namang aalisin ng CTMO ang 50/50 traffic scheme simula October 31 hanggang November 1, 2016 kaugnay pa rin na selebrasyon ng araw ng mga patay

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...