Pulis binaril


Pulis ng Araceli patay matapos umano barilin ng kanyang asawa

Namatay si SPO2 Benjie Guillen, Chief Investigator ng Araceli Municipal Police Station matapos itong barilin sa likod sa loob mismo ng kanyang bahay sa bayan ng Araceli, Palawan, kahapon.

Ayon kay PO3 Alvin Guillen, kapatid ng biktima,  dalawa ang tinamong tama ng bala ng kanyang kuya- isa sa sintido at isa sa dibdib.

Sinabi ni SPO2 Magbanua na ang suspek sa pagbaril sa biktima ay ang mismong asawa nito matapos itong mag-positibo sa paraffin test na ginawa ng mga otoridad.

Habang sinusulat ang balitang ito, dinadala na sa Lungsod ng Puerto Princesa ang bangkay ni Guillen. Patuloy pa rin ang imbestigasyong ginagawa ng mga otoridad hinggil sa motibo ng suspek sa pagpatay sa asawa nito.

Kasong parricide ang hinaharap ng suspek.

You may also like...

1 Comment

Add a Comment

Your email address will not be published.