Puerto Princesa posibleng hindi makakaranas ng brown out sa Pacquiao-Mayweather fight


Sinisikap ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) na hindi mawawalan ng kuryente ang lungsod ng Puerto Princesa sa May 3, araw ng laban ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.

Sa panayam ng Brigada station kay Vicky Basilio, tagapagsalita ng Paleco, pinakiusapan na umano nila ang malalaking consumers na gumamit muna ng generator mula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon sa ika-2 ng Mayo.

Ayon kay Basilio, may ilang big load consumers na pumayag subalit may ilan na hindi pa nagkukumpirma. Kulang pa ng halos 4 megawatt upang maabot ang load na kailangan upang hindi mawalan ng kuryente ang lungsod.

Samantala, sinabi ni Basilio na pinag-aaralan na ni Atty. Zoilo Cruzat, legal counsel ng Paleco kung ano ang penalty ang pwedeng ipataw sa 3 independent power producers (IPPs) dahil hindi umano ng mga ito nasusunod load requirement na nakasaad sa kanilang kontrata sa kooperatiba.

“Ang hindi nila pag-supply sa atin ng tama ay pwedeng maging bridge of contract pero ito ay nakadepende sa rekomendasyon ng PALECO legal counsel,” ayon kay Basilio.

Idinagdag pa nito na walang penalty clause ang kontrata sa Paleco ng PPGI at Delta P.

Ang madalas na pagkawala ng kuryente sa lungsod at mga munisipyo sa Palawan ay bunsod ng pagkasira sa mga makina ng dalawang power producers (PPGI at Delta P).

 

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...