Puerto Princesa International Airport, 95% na ang physical completion

Photo: Leila Dagot/PIA

Nasa 95% na umano ang overall completion ng Puerto Princesa International Airport Development Project na may budget na Php 4.46B at nakatakdang matapos sa Abril 16 ng taong ito. Ito ay ayon kay Engr. Gil Pamatmat, Project Manager ng Department of Transportation (DOTr), sa isang press conference sa “Kapihan sa PIA” nitong Martes, Pebrero 21.

Ayon kay Pamatmat, ang sakop ng 95% na natapos ay ang kabuuang bahagi ng terminal building kasama na rin ang control tower. Sakop nang natitirang 5% na kailangang tapusin ang pagsisiguro ng seguridad sa kabuuang istruktura, paglilipat ng mga pasilidad ng mga end-users, mga kagamitan na itu-turn-over sa CAAP at ilang pang civil works gaya ng pag-aayos ng perimeter road.

Ipinagmalaki naman ni Pamatmat ang nasabing proyekto. Aniya, “We can compete with other international airports world-wide”, dahil na rin umano sa pagkakaroon ng paliparan ng high-end at complete terminal facility, 16 units ng check-in counters, 3 baggage-handling counters, WIFI Zone, mataas na comfort level, mas malalaking airbus, convenient level ng accommodation at higit na mas mataas na seguridad at kagamitan. Dagdag pa rito, anim na beses o itinatayang 13,000 sq. m. na mas malawak ang bagong paliparan kumpara sa lumang airport at may mga pasilidad na para sa mga international passengers, dagdag pa ang ‘airport landscape’.

Samantala, siniguro naman ni Pamatmat ang takdang pagbubukas ng naturang paliparan sa ika-16 o 17 ng Abril, 2017. Ito ay kung wala na aniyang magiging problema o additional work/s sa kasalukuyan. “Sa ngayon, stage of completion na tayo,” aniya.

You may also like...