Puerto Princesa City may bago nang PNP Chief

Nagprotesta sa city PNP station ang mga residente ng lungsod dahil sa biglang pagpapalit ng chief of police ng Puerto Princesa City


Nagsimula nang maglingkod bilang city PNP chief noong ika-25 ng Abril si police senior superintendent Ernesto Tendero Jr. bilang officer in-charge ng city police station matapos nitong palitan bilang hepe si police senior superintendent Edgardo Wycoco sa bisa ng kautusan ni Department of Interior and Local Government secretary Mar Roxas.
Bagama’t hindi natuloy ang change of command ceremony noong ika- 24 ng Abril 2015 dahil ito ay sinalubong ng kilos protesta ng mga tao, tuloy pa rin ang pagpapalit ng liderato ng city PNP.
Sa panayam ng Palawan News kay PSSupt. Tendero, ang change of command umano ay seremonya lamang at hindi ito dahilan para hindi ituloy ang pagpapalit ng hepe ng pulisya sa lungsod.
“Ang turn-over ay seremonya lang, what is important is the order,” ayon kay PSSupt. Tendero.
Sinabi ni PSSupt. Tendero na s’ya umano ay nakatakdang pumunta kay Mayor Lucilo Bayron sa Abril 27, 2015, bilang paggalang sa punong lungsod. Ang kanyang pagdalaw umano ay sa panahon na may opisina ang alkalde.
Si Tendero ay tubong Bulacan at sya ay nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA). Siya rin ay nagtapos ng abogasya at nakapasa noong 1999 sa bar exam. Siya rin ay naitalaga bilang sa Zamboanga kung saan ang ranggo niya ay tenyente pa lamang.
Siya ay naninilbihan bilang station commander sa iba’t estasyon ng Manila Police District. Sa kanyang pagiging station commander, naibaba nya ang antas ng kriminalidad lalo na sa Tondo, Manila.
Noong ika-16 ng Pebrero 2015, si PSSupt. Tendero ay isa sa mga ginawaran ng parangal ni Secretary Mar Roxas dahil sa mahusay nitong nagawa sa pagpappababa ng kriminalidad sa national capital region.
Ayon kay Tendero ngayong sya na nag namumuno ng city PNP kanya umanong paiigtingin ang police visibility at paagsugpo sa lahat ng iligal na gawain sa syudad.
“Kailangan maramdaman, nakikita at umaaksyon ang mga pulis sa reklamo ng mga tao,” ayon kay Tendero.
Ngayong recall election, magtutulong-tulong umano ang Armed Forces of the Philippines, lokal na pamahaaan at iba’t-ibang sector upang maging malinis at tapat ang halalan.
Matatandaan na ang pagpapalit ng pamunuan sa city PNP ay sinalubong ng protesta dahil ang kautusang ito ay pumasok na sa election period.
Maging ang pamunuan ng lungsod ng Puerto Princesa ay nagulat dahil wala umano sila inabisuhan bago ibaba ang kautusan.
Ayon kay city information officer Henry Gadiano, nagsumite na sila ng apela sa DILG na kinukwestyon ang biglaang pagpapalit ng city chief of police. ( Sa ulat nina Archie Barone at Grace Belostrino)

You may also like...

1 Comment

Add a Comment

Your email address will not be published.