Prison guard ng Inagawan Sub-colony, patay matapos bumangga sa nakaparadang truc


 

Agad na binawian ng buhay ang isang prison guard ng Inagawan Sub-colony matapos na aksidenteng bumangga ang kanyang minamanehong motorisiklo sa isang nakaparadang truck sa may kilometer 43 sa Sitio Tagbarungis, Barangy Inagawan Sub dito sa lungsod ganap na alas siete ng gabi, Huwebes, Nobyembre 12.

Kinilala ang  biktima na si Cecil Fuertes, 40 anyos, may asawa at residente naturang lugar.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Palawan News buhat sa Irawan Police Station, nasiraan umano ang nasabing truck at apat na araw na itong nakaraparada sa lugar. Dahil sa madilim ang lugar ay nabangga ang sinasakyan ng motorsiklo ng biktima. At ahil sa lakas ng pagkakabangga nito ay lumusot pa umano ang sasakyan sa ilalim ng truck.

Isinisisi ng pamilya ng biktima ang hindi paglalagay ng early warning device sa lugar. Nabatid naman na wala umanong plaka ang nasabing truck at iniimbestigahan na rin ito ng mga otoridad para beripikahin ang mga papeles nito.

Samantala, posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng truck dahil sa kapabayaan nito. Hindi pa pinapangalan ng mga otoridad ang driver ng truck.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...