Pinaghinalaang Abu Sayyaf sa Brookes Point, negatibo ayon sa WesCom

The Western Command assures that Palawan is safe from the presence of Abu Sayyaf

Labing isang mga lalaki ang namataang dumating sa bayan ng Brookes Point na pinangambahan ng ilan na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) base sa impormasyong ipinaabot sa ilang kaanib ng Media ngayong araw, Abril 21.

 

 

 

Sa pakikipag-ugnayan ng Palawan News kay Lt Col Sonny Gonzales, Designated Spokesperson ng Western Command, kinumpirma nito na nagkaroon ng “pakikipag-usap” ang grupo ng Marine Batallion Landing Team 4 sa naturang grupo at napag-alamang mga Tabligh na nagmula pa sa Sulu. Ang Tabligh ay mga Muslim na naglilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mangaral base sa Koran.

 

 

Naging maayos naman umano at kontrolado ang sitwasyon sa paghaharap ng grupo at ng mga elemento ng militar.

 

 

 

“Ini-engage namin sila (Tabligh) para di ma-infiltrate ang kanilang grupo at ibang communities ng mga abu sayyaf as part of our efforts in protecting the communities from terrorism as well as to make them aware of the abu sayyaf threats,” ani Gonzales.

 

 

Tiniyak din nito na patuloy na nakaalerto ang kanilang hanay upang matiyak na hindi mapapasok ng mga terorista ang anumang bahagi ng lalawigan.

You may also like...