Part time driver, huli sa buy-bust sa Sta. Monica

Ang suspek sa pagtutulak diumano ng iligal na droga ay kinilalang si Rolly Esrael, 39-anyos, may asawa, at residente ng Barangay Mandaragat, Puerto Princesa City.


Nahuli ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng City Police Office at Anti-Criminality Task Force (ACTF) ng city government ang isang part time driver sa ikinasa nitong buy-bust operation kahapon, March 19, sa Barangay Sta. Monica.

Ang suspek sa pagtutulak diumano ng iligal na droga ay kinilalang si Rolly Esrael, 39-anyos, may asawa, at residente ng Barangay Mandaragat, Puerto Princesa City.

Naaresto siya Martes ng tanghali sa Paduga Road, Barangay Sta. Monica, at nakumpiska mula sa kanya ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu, kasama ang isang unit ng cell phone na naglalaman umano ng mga impormasyon hinggil sa transaksyon ng pagbebenta.

Nakumpiska mula sa suspek ang P1,100 marked money na ginamit ng asset ng pulisya para diumano makabili ng shabu.

Nakumpiska rin mula sa kanya ang P1,100 marked money na ginamit ng asset ng pulisya para diumano makabili ng shabu.

Nakabili umano sa kanya ng shabu ang asset ng pulisya kaya siya ay agad na inaresto. Nang maghanap pa ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng dagdag na ebidensya sa loob ng sasakyang minamaneho nito, ay dito nakita ang pangalawang pakete na nakabalot sa tissue.

Pero depensa ni Esrael, bagama’t aminado siyang gumagamit ng shabu ay hindi siya nagbebenta. Siya umano ay buyer lang.

“Hindi po sa akin ‘yan (shabu). Sana naman yong totoo lang ang gawin nila. Nagulat na lang nga po ako ng bigla nila akong harangin. Yong naka-motor kanina ang dapat nilang hulihin dahil yon ang nag-alok sa akin ng shabu,” pahayag ni Esrael.

Nasa kustodiya na si Esrael ng CPO at sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

You may also like...