=

PANAKIP BUTAS


(Fr. Dennis Braganza celebrated his 12th Year in the Priesthood last March 19, 2018. He asked me to deliver the homily during his Thanksgiving Mass.)

 

Dear Dencio,

Hindi ko talaga alam kung bakit ako ngayon rito ang nagsesermon sa iyong 12th year anniversary bilang pari. Pero salamat na rin. Ang alam ko ay si Bishop Soc sana rito. Pero sabi nya sayo ay ikaw na lang ang magsermon kasi matanda ka na rin. Tapos ngayon ay pinasa mo sa akin. Isa langg ibig sabihin nito – si Bishop Soc, tapos ikaw at sa huli pala ay ako – panakip butas ako.

Hindi ko lgang alam ko gaano kalaki at kalalim ang butas. Pero nais kong magnilay kung ano ang ibig sabihin ng “panakip butas”.

Father Dennis, sabi mo kahit na March 20 na ngayon ay March 19 pa rin ang celebration. Ito ay dahil nais mo na ang diwa ni San Jose ang manguna sa iyong pagkapari.

Alam mo, sa tingin ko, si San Jose ay dakilang panakip butas. Si Maria ay walang duda na ina ni Hesus. Ang ama ni Hesus ay Diyos. Ang Diyos Ama ay sa nasa langit. At pinili si Jose na maging foster father ni Hesus. Hindi ba panakip butas yun? Nasa langit ang tunay na ama, kaya pag dito sa lupa ang ama ay si San Jose.

Father Dennis, sa tingin ko ang buhay nating mga pari ay panakip butas din. Alter Christus. In persona Christi. O kung gusto mo isama pa natin ang motto ni Bishop Soc- “You will be my witness.” Panakip butas tayo bilang pari. At ang ating modelo ay si José.

Bilang panakip butas paano ba ang papel na ginampanan ni Jose. Unang-una, inalagaan niya si Hesus. Ikalawa, kinalinga si Maria. At ikatlo, ginamapanan niya ang kanyang papel ng tahimik lamang, mababa ang kalooban at simple.

Father Dennis, parang kabaliktaran. Parang lang naman. Kasi nung magpari na tayo ang dami ng gustong mag alaga sa atin. Pero sa pagtanda mo na kaya ay may mag aalaga pa rin sa yo? Wag kang matakot. Hindi natin concern na alagaan tayo (problema na yan ng obispo natin). Ang concern talaga natin ay tayo dapat ang mag alaga – alagaan si Hesus! Si Jose ay tinaguriang Redemptoris Custos – tagapag-alaga ng Tagapagligtas.

Marahil ang pag-aalaga ni Jose noon kay Hesus ay sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanya, pagpapaligo, paglalaba ng lampin, pagpapasuot ng damit, etc.

Father Dennis, hindi na ganun sa ngayon. Sa tuwing ikaw ay nagdiriwang ng Banal na Misa ay inaalagaan mo si Hesus. Kapag ikaw ay naglalaan ng oras para sa kumpisal ay inaalagaan mo si Hesus. Kapag ikaw ay tumatakbo sa hospital para sa mga naghigingalo ay inaalagaan mo si Hesus. Kapag ikaw ay nagbibinyag ay inaalagaan mo si Hesus. Kapag ikaw ay nagdarasal para sa mga tao ay inaalagaan mo si Hesus. Kapag ikaw ay nagiging bukas-palad sa gawang pagmamalasakit inaalagaan mo rin si Hesus. Marami pa Father Dennis. Sadyang napakarami pang pamamaraan bilang pari na maaalagaan mo ang Diyos. Wag mo siyang pababayaan. Wag natin syang bibiguin.

Ikalawang papel ng panakip butas na si Jose ay ang pagkalinga niya kay Maria. Ayon sa batas noon, papatayin ang babaeng natagpuan na nagdadalang tao na walang ama o hindi pa kasal. Pero hindi nilagay ni Jose si Maria sa alanganin. Inako niya si Maria. Sa utos ng angel, panakip butas na naman si Jose.

Alam mo, Father Dennis, puede nating sabihin na maaring nasaktan ng labis si Jose sa mga pangyayari sa buhay niya. Malaking kabiguan to sa kanya na biglang nagbago at nasira ang plano niya sa buhay. Father Dennis, tulad ni Jose, nasasaktan ka rin. Nabigo ka na rin. Ilang beses na rin bang tumulo ang iyong luha na pakiramdam mo ay wala kang kakampi. Nakakatuwa at angkop na angkop ang tema mo sa invitation mo – “Do not let the past disturb you. Leave everything in the Sacred Heart and begin again with joy.” (Mother Teresa)

Pero kahit na ba nasakatan si Jose, hindi nya pinahiya si Maria. Matuwid na tao si Jose. Tularan natin si Jose. Iwasan mong makasakit, ikaw na lg sana ang masaktan. Ikaw na ang umunawa, kahit maraming beses hindi ka nauunawaan. Ikaw na ang magdusa, iwasan mo na lg na ikaw pa ang sanhi ng pagdurusa ng iba. Sa tingin ko, dito natin mararamdaman ang tunay na diwa ng ating pagkapari – tinawag, nasaktan, naging katulad ni Kristo.

At ikatlo at panghuli, naging tahimik lamang si Jose. Hindi siya tawag pansin. He was a man of silence. A man of deep faith. A man of deep prayer. A priest must be like Joseph- of silence, of deep faith and deep prayer. Meaning to say, your first construction project is to construct your prayer life. Your first pastoral program is a program of daily silent reflection. Your first fundraising activity is to raise your mind and heart to God. If at the end of the day, when what you have done was only to pray then you must be very fulfilled instead of having constructed a building but have not prayed at all.

Joseph was a carpenter but there is no account whether he had also constructed even a small house. But what is certain was that he was always with Mary and with Jesus. That is prayer – to be always with Mary and Jesus.

Father Dennis, dalangin ko bilang kaibigan mo at kapatid sa pagkapari na maging panakip butas ka forever.  Humingi ka palagi ng tulong kay San Jose. Alagaan mo si Hesus. Kalingain mo si Maria. At manalangin ng mabuti.

Happy 12 years. More years to come.

Mahal ka ng Diyos. At dahil pari, mahal na mahal.

 

Ang kapwa mo ring panakip butas,

EUGENIO

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...