Pagkahuli sa suspek sa pagpatay sa Brooke’s Point, may pabuya

(File photo)


Nag-alok si Brooke’s Point Mayor Jean Feliciano ng P100,000 na pabuya para sa mabilisang pagkakahuli sa suspek sa pagpatay kay Ian Rod Ubod, ang katiwala ng ina nito na si Ginang Lily Delos Angeles.

Ipinapalagay din ng mga imbestigador na kilala ng biktima ang suspek sa krimen subalit hindi pa nila inilalabas ang pangalan nito.

“Inaalam na lang ng PNP ang lugar ng suspect, ” ayon kay Mayor Feliciano.

Patuloy pa umano ang isinasagawang operasyon ng PNP Brooke’s Point sa pagtugis sa suspek. Kasalukuyang inaalam na lamang ng PNP ang lugar na kinaroroonan nito.

Ayon sa mga imbestigador, posible umano na personal na alitan at inggit ang maaaring dahilan ng pagpatay kay Ian Rod Ubod.

Nagtamo ang biktima ng mahigit sa 20 saksak sa katawan matapos pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek o mga suspek ang bahay ni Gng. delos Angeles.

“Lumalabas sa imbestigasyon na kakilala ang suspect at nagkaroon ng simpleng alitan ang suspect at biktima,” ayon kay PSI Bronson Caramto.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...