P1M halaga ng shabu nasabat sa 1 babae

Ang mga sachet ng hinihinalang shabu na nakuha mula kay Genevieve Padios sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City

Nahuli kagabi ng sa isang drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at City Ant- illegal Special Task Force (CAIDSOTF) si Genevieve Mendoza y Padios sa Bgy. San Miguel, Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay Col. Ariel Celino ng PNP CAIDSOTF nakuha mula kay Padios ang tinatayang 100 gramo ng white crystaline substance  na nakasilid sa limang plastik transparent sachet na hinihinalang shabu at may market value na umaabot sa humigit-kumulang na P1M.

Nakuha rin kay Padios ang isang libong marked money, 2 libong piso na genuine money na ipinain sa kanya ng mga otoridad.

Ang suspek ay 29 anyos, may asawa at residente ng Bgy. San Jose.

Agad na dinala sa PNP Crime Laboratory ang mga pinaghihinalaang droga samantalang inihahanda na ang kasong isasampa sa suspek.

Nasa kustodiya ngayon ng City PNP ang suspek at nakatakda itong ilipat sa city

You may also like...