P1 MILYONG HALAGA NG SHABU HULI SA BGY. SAN JOSE, PUERTO PRINCESA CITY


Isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakuha  ng mga otoridad mula sa isang babae sa Bgy. San Jose, lungsod ng Puerto Princesa, ganap na 5:40 ng hapon, Hulyo 6.

 

Arestado sa isinagawang buybust operation ng Regional Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group (RAIDSOTG)  si Mary Joy Basilio Gervacio, 22, residente ng Coron, Palawan.

 

Ang buy-bust operation ay pinangunahan ni  PSupt.. Vicente Cabatingan ng Palawan Police Provincial Office Intel Branch.

 

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang 22 plastic sachets na naglalaman ng white crystalyn substance na pinaniniwalaang shabu,1,500 peso bill na marked money at isang bag.

 

Tinatayang aabot naman 108.81 grams ang timbang ng hinihilang shabu na may market value na aabot sa isang milyong piso.

 

Pansamantalang nakapiit sa Provincial Police Office si Gervacio habang inaasikaso pa ang mga kaukulang dokumento upang pormal na itong masampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...