Oplan Linis Mngt, handang-handa na sa Kalag-Kalag Festival


Samu’t saring pakulo ang inihanda ng pamunuan ng Puerto Princesa, particular na ng Oplan Linis Management, para sa gaganaping Kalag-Kalag Festival ngayong Oktubre 27-31 sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

Sa ngayon abala ang pamunuan sa pagtatayo ng mga istruktura para sa iba’t ibang klaseng katatakutan. Handang handa na rin umano ang gagamiting mga props, costume at mga pang-dekorasyon na gagamitin sa nasabing aktibidad.

“Kami [ay] excited na dahil maraming bago, unlike dati. Basta surprise na lang, sigurado matutuwa kayo,” ani Gng. Judith Bayron-Manuel, Oplan Linis Program Directress.

Abangan umano ang iba pang mas pinatinding stations at obstacles tulad ng laser grid at huli trap. Higit sa lahat, pananabikan din ng mga tao ang mga bago tulad ng butcher’s den, window shopping at cemeteries.

Sa ngayon, patuloy ang pamamahagi ng tickets kapalit ng mga recyclable materials na gagamitin umano sa mga susunod pang proyekto ng siyudad.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...