One-way traffic plan, iminungkahi


Nagmungkahi ang isang negosyante sa Puerto Princesa City na gawing one-way ang Malvar Street at Rizal Avenue sa poblacion upang mapabilis ang daloy ng trapiko sa parteng loob ng syudad.

Ayon kay El Roy Hagedorn, magsisimula ang one-way scheme sa kanto ng Caltex-Wescom Road, patungo sa lumang palengke at magtatapos naman hanggang sa kanto ng pier, gayundin ang buong Rizal Avenue, na magsisimula sa kanto ng Puerto Princesa Cathedral at magtatapos din sa Caltex.

Dagdag dito, ang mga kalye gaya ng H. Mendoza, Lacao, Baltan, at San Juan Road ay maaari namang gawing two-way na lagusan.

Sa akin naman, tingnan natin kung maaaring maikonsidera,” ani Hagedorn.

Hindi naman sang-ayon ang iilang tricycle drayber dito at nilahad ang saloobin na ang mungkahing ito ay magiging sanhi lamang ng mas mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod.

Mas lalo lang lalala ang traffic kung sakaling matutuloy ‘yan, unang-una, ang layo na nang iikutan lalo na kung ‘yung pasahero galing palengke tapos papunta ng Rizal, lahat apektado,” ani Nelson Masculino, isang driver.

Sinabi ni Hagedorn na naiparating na niya ang panukala sa City Planning office ng kasalukuyang administrasyon.

You may also like...