Netizen nagbabala vs lalaking nanghipo sa dyip

SPO3 De Asis urges the woman involved to file a formal complaint for harassment with the police for them to act on the case.


Viral ngayon sa Palawan ang warning ng isang netizen na nagngangalang Vea Kriz Gabo Abrina sa publiko, lalo na sa mga kababaihan na sumasakay ng dyip, na mag-ingat sa lalaking ito na makikita sa larawan dahil umano sa pambabastos at panghihipo.

Ayon sa post ni Abrina sa kanya mismong social media account, ang di nakikilalang lalaki ay binastos at hinipuan ang kanyang kaibigang babae matapos sumakay ito sa may bahagi ng Barangay San Miguel.

Narito ang link:

https://www.facebook.com/krizahabrina/posts/804949173049130?comment_id=806297546247626&notif_id=1528248594498969&notif_t=comment_mention

Tumabi umano ito sa kanyang kaibigang babae at para hindi mahalata sa pambabastos, ang modus operandi nito ay ilagay ang kanyang bag sa harapang bahagi ng katawan bago manghipo.

“Warning: mag-iingat po kayo sa lalaking ito. Kung makasabay nyo po syang sumakay ng multicab. Lagi nya pong nilalagay yong bag nya sa harapan nya para hindi sya mapansin na naghihipo na sya ng katabi nyang babae. Sumakay po sya sa brgy. San miguel at tumabi po sya sa kaibigan ko na babae. Along the way of san pedro to tiniguiban nangyari ang panghihipo sa kanya. At napilitan na lang po bumaba yong kasamahan ko sa may tiniguiban dahil sa panghihipong ginawa sa kanya. Mag-iingat po ang lahat lalong lalo na po ang mga kababaihan. Please repost this para mahuli na sya. Thank you and God bless.”

Viral na sa FB ang post na ngayon ay meron ng 134 likes, 203 comments, at 357 shares mula sa mga nakabasa at nakakita ng larawan.

Pero ayon sa isang netizen din na nagngangalang Cherrie Mae Lagan Alotencio, ang lalaki ay kanyang kapit-bahay at merong problema sa pag-iisip.

“May sakit po yan sa pag iisip kapitbahay po namin yan,” ito ang comment ni Alotencio na mababasa sa ilalim ng post ni Abrina. Hindi niya sinabi kung ano ang pangalan ng lalaki.

Sabi naman ng isa pang netizen na si Lab Eurz, noong nakalipas na taon ay inireklamo na din ito dahil sa kaparehong insidente.

“Ingat kayo guys. last year pa to sya. kung naaalala ng iba dati lagi siyang nakawhite shirt last time. be alert po,” sabi ni Eurz. Nag-post din siya ng screen captured photo kung saan makikita ang lalaki na naka-suot ng puting t-shirt at

Ang ilang netizen naman ay nagpayo na kung totoong may problema ito sa pag-iisip ay dapat itong i-report sa pulisya para sa tamang disposisyon at pag-resolba ng kaso.

“Much better po na i-report din agad yan siya aside from posting it here in social media para po maaksyunan agad,” pahayag ng netizen na si Leah Buo.

Ilalapit din ng Palawan News ang impormasyon tungkol sa insidente sa kinauukulan para sa tamang aksyon at disposisyon.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...