Negosyante sa Bataraza kritikal matapos barilin


Kritikal ang kondisyon ni Mahrup Sarawi matapos itong barilin sa loob ng kanyang tindahan kaninang uamaga, ika-5 Enero sa Brgy. Tarusan sa bayan ng Bataraza.

Ayon sa pinsan ng biktima si Alami Ibrahim,may dalawa umanong lalaki ang lumapit sa tindahan at bumili ng gasolina, at bigla na lamang
umanong pinaputukan ang biktima na tinamaan ng dalawang tama sa dibdib at isa sa may babang bahagi ng pusod nito.

Itinuturong suspek naman ang magkapatid na umano’y sina Haider Anjawang alyas bunso
at Sajail Anjawang kasama ang tatlo pang mga suspek.

“Yung lumapit po sa kanya, dalawang motor, at may sakay na tig dalawa, tapos mayroon pa raw mga back up sa hulian na dalawa pang motor,” ayon kay Ibrahim.

Hindi malinaw sa pamilya ng biktima ang motibo ng mga suspek. Patuloy
ang ginagawang imbestigasyon ng Bataraza Municipal Police. Tinutugis na rin ang mga nakatakas na suspek.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.