=

Nabangga ng lasing, teacher patay sa Brooke’s Point


Patay ang isang teacher sa Brooke’s Point matapos mabangga ito noong Miyerkules, June 13, ng motorsiklo na minamaneho ng isang lasing na driver sa national highway sa Barangay Pangobilian.

Kinilala ang biktima na si Adrito Mane samantalang ang suspek na nakabangga gamit ang motorsiklo na XRM 125 ay pinangalanan na si Hermes Mayo.

Sa paunang impormasyon na nakalap ng Palawan News, gabi nangyari ang aksidente sa national road patungong norte habang ang biktima ay pauwi sa bahay nito.

Mabilis umano ang naging pagpapatakbo ni Mayo kaya malakas ang naging impact ng pagkakabangga kay Mane. Matapos mabangga ay na-rebolusyon pa ng suspect ang motorsiklo na naging dahilan upang kapwa sila tumilapon at mabagok ang ulo ng biktima sa gulong.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero ilang oras lang ay pumanaw din. Ang suspek ay sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...