Motorista patay matapos makabanggaan ang Cherry Bus


Patay ang isang motorista matapos makabangaan ang isang Cherry Bus sa kahabaan ng Bgy. Binduyan, Lungsod ng Puerto Princesa , Sabado ng gabi.

Agarang namatay ang drayber ng motorsiklo na si Leonard Cabrera, nasa hustong taong gulang at residente ng Bgy. Binduyan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis sa pamumuno ni PO3 Philip Enriquez ng Mendoza Police Station, nabatid na nawalan diumano ng kontrol si Cabrera habang binabaybay nito ang kalsada patungo sa lungsod kung kaya nabangga nito ang kasalubong na bus.

Matapos ang insidente agad namang sumuko ang drayber ng bus na si Jonathan Hernandez Bastida.

Nasa kustodiya ngayon ng Puerto Pincesa City Police Office ang drayber. Kinakaharap nito ang kasong reckless imprudence resulting to homicide na isinampa ng pamilya ng biktima.
Nasa kustodiya rin ng PNP ang Cherry Bus na sangkot sa insidente.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.