Mga vendors tatanggap ng puhunan mula kay Cong. Acosta


Pagkakalooban ng tulong puhunan ng tanggapan ni 3rd District Congressman Gil  “Kabarangay” Acosta ang 10 maliliit na vendor’s associations sa lungsod ng Puerto Princesa at bayan ng Aborlan.

Ang pagtukoy sa mga magiging benepisyaryo ng programa ay isinagawa sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pangunguna ni DOLE Palawan Field officer Peter James Cortazar.

Ang mga benepisyaryo ay ang mga sumusunod:

– PPC Ice Cream Vendors Association (Sorbetes Manufacturing and Selling)

– Sta. Lourdes Honda Bay Transport Terminal Operators and Drivers Association (Multicab/ TUJ Repair, Vulcanizing and Carwash Services)

– Bancao-Bancao Meat Processing Association (Home-made Meat Processing)

– Kaakbayan Pig Farming and Pork Processing Association (Pig Farming and Pork Processing)

– Golden Hope Association (Panahian ng mga Kababaihan)

– New Muslin Care Center of Palawan (Poultry Breeding and Range Type Broiler Production)

– Shells Craft Association (Shells Craft Making)

– WPDL Meet Processing with Piggery and Goat Racing Association (Meat Processing with Piggery)

– Women’s Dress Shop Association of Brgy San Miguel (Dress or Clothing Production)

– Matahimik Bucana Kabuhayan Association (Rugs To Riches)

 

Ipinapaalam ng tanggapan ni Cong. Acosta sa nais pang mag-apply na tumatanggap ang DOLE ng ikalawang batch ng mga nais maging benepisyaryo ng programa.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa ahensya ng DOLE at hanapin si Bb. Anna Magbanua o kaya ay tumungo sa tanggapan ni Congressman Acosta at hanapin si Bb. Nadine Blas o si Bb. Arlene Escala.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...