Mga pushers na suspek sa El Nido, arestado


Tatlong suspek sa pagtutulak ng iligal na droga ang inaresto ng mga pulis sa Barangay Buena Suerte, El Nido noong gabi ng February 11.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Louie Pabingwit Vergara, 43, at isang utility worker; Christopher Calixto Dellosa, 33, isang tindero, at si Avelino Morta, 36, nagtatrabaho sa isang resort.

Siyam na pakete ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska mula sa kanila at ang P500 na marked money.

Ang nasabing operasyon ay sinaksihan nina Barangay Kapitan Ricky C. Ballena, Barangay Kagawad Gina F. Fababier, at ng dawalang media practitioner.

Ang mga nakumpiskang diumano ay shabu ay nasa Palawan Crime Laboratory para sa pagsusuri.

Ayon kay Police Senior Inspector Ric Ramos, information officer ng Palawan Police Provincial Office (PPPO), naihanda na ang kasong criminal na isampa sa tatlong suspek sa paglabag ng Republic Act 9165.

Sila ay kasalukuyang nasa kustodiya ng El Nido Municipal Police Station (MPS).

You may also like...