Mga pusher at pinaghihinalaang holdaper, huli sa buy-bust

Ang mga suspek sa sunod-sunod na nakawan at pangho-hold up


Walang kawala ang dalawang lalaki matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa Barangay Maningning alas 10:40 Martes ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Rolando Mercado, alyas Tasoy, 39, isang construction worker, at isang John Peter Bellica, 24, residente ng naturang lugar.

Sinabi ni Police Inspector Rey Elona na mainit na sa pulisya ang mga suspek matapos ang sunod-sunod na nakawan at pangho-hold up na nagaganap sa lugar kung saan lumilitaw ang pangalan ng mga ito bilang mga suspek.

Naglatag ng isang drug buy bust operation ang mga elemento ng Police Station 1 kasama ang PDEA sa pinaghihinalaang bagsakan ng mga droga sa nasabing lugar na siyang naging dahilan sa pagkasakote sa dalawang suspek.

Kumpiskado mula kay alyas Tasoy ang dalawanag ng sachet ng pinaghihinalaang droga, at ang marked money na ginamit ng mga operatiba sa naturang operasyon.

Samantala, sinabi rin ni Elona na nakikipag ugnayan sila sa mga nabiktima ng suspek para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga ito.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...