Mga Proyekto sa Patubig ipinagkaloob sa Sofronio Española


Dalawang magkakasunod at malalaking proyekto sa patubig ang ipinagkaloob ng pamahalaan sa bayan ng Sofronio Española sa timog ng Palawan.
Ang Potable Water Supply System Project na nagkakahalaga ng sampung milyong piso (Php10M) ay pinondohan ng Department of the Interior and Local Government  (DILG) at  sinimulan na noong huling bahagi ng taong 2014 at natapos nitong nakalipas na Enero 2015.
Ang proyekto ay matatagpuan sa Bgy. Pulot Center na kasalukuyan nang piangkikinabangan ng mga residente ng barangay at mga karatig lugar.
Ang lokal na pamahalaan ay nag-ambag ng isang milyong piso (Php 1M) dahil sa kagustuhan ng pamunuan ni Mayor Acoy na agarang magkaroon ng malinis na inuming tubig ang mga residente rito.
Kasalukuyan namang isinasagawa ang isa pang proyektong patubig na nagkakahalaga ng pitong milyong piso (Php7M)  na pinondohan naman ng Department of Agrarian Reform (DAR) katuwang pa rin ang lokal na pamahalaan ng Sofornio española na nag-ambag ng labinlimang porsyento (15%) mula sa kabuuang halaga ng proyekto.
Ayon kay G. Absalon C. Bucayan, Human Resource Management Officer (HRMO) ng bayang ito, ang Brgy. Pulot shore ang mapalad na nabiyayaan nito na matagal ng dumadaing ng malinis at inuming tubig. Inaasahan naman ng mga residente Rito na sa lalong madaling panahon ay matatapos ang proyektong ito gaya na rin ng pangako ng lokal na pamahalaan.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...