Mga Beauty at Household Tips

Cleaning tool (Photo: www.dreamstime.com)

BEAUTY TIPS

Paano pasiglahin ang anit para tumibay ang buhok? Narito ang ilang tips upang gumanda ang ating buhok.

  1. Padulasin ang mga daliri pataas tungo sa tuktok ng ulo. Ulitin ng 3 beses.
  2. Igalaw ng paikot ang mga daliri at padulasin sa buhok, unti unti pataas.
  3. Sundan ang gilid ng buhok, igalaw ng paikot patungong tuktok ng ulo.
  4. Ilagay ang kamay sa anit sa ibabaw ng tenga, itulak ng puwersa. Ito ay isang ehersisyong isometric.
  5. Kumuha ng sandakot na buhok ng dahan-dahan, at subukang hilahin ng hindi gumagamit ng puwersa.

 

HOUSEHOLD TIPS

Upang mapadali ang gawaing bahay, may ilang tips kami sa inyo upang ma-solusyunan ang ilang mga problema katulad ng mantsa at ilang dumi sa ating tahanan.

  1. Upang linisin ang mantsa sa mga flower vases, kuskusan ito ng pinaghalong asin at suka.
  2. Matatanggal ang mantsa  sa stainless na kutsilyo at plato sa pamamagitan ng pagkuskos dito ng hiniwang hilaw na patatas.
  3. Upang mapanatiling makintab ang mga leather suitcases, pahiran ito ng malambot na tela o basahan na binasa sa katas ng lemon o kalamansi.
  4. Linisin ang mga salamin gamit ang tubig na pinaglagaan ng tea leaves.
  5. Tanggalin ang dumikit na labels sa salamin sa pamamagitan ng ng pagkuskos ng alcohol o nail polish remover.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...