Menor de edad nahuli dahil sa iligal na droga


Posibleng nasa pangangalaga na ng City Social Welfare and Development Office ang isang menor de edad na nahuli noong Sabado, ika-16 ng Enero, matapos  nitong kunin ang padala sa isang courier company sa loob ng isang mall sa Lungsod ng Puerto Princesa na umano’y naglalaman ng iligal na droga.

 

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency at City Anti- Illegal Drug Special Operations Task Force sa loob mismo ng isang mall. Nakuha sa suspek ang humigit-kumulang 10 gramo ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu.

 

Ayon sa suspek inutusan lamang umano siya na kunin ang padala sa isang courier company at hindi nya alam na ito ay naglalaman ng iligal na drogram.

 

Posibleng kakaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of the Philippines. (Ulat Bryan Espiritu)

You may also like...