=

Menor de edad ginahasa ng ka-textmate


Ginahasa umano noong Sabado, ika-14 ng Nobyembre, ang isang 16 anyos na batang babae ng kanyang ka textmate sa isang palikuran sa bayan ng Taytay.

 

Ayon kay Police Seinor Inspector Analyn Palma, chief of police ng Taytay Municipal Police Station, textmate umano ang dalawa. Nagkasundo silang magkita ng alas 9:00 ng gabi sa may pier ng Taytay para kunin ng biktima ang cellphone ng kaibigan niya na nadampot ng suspek pero, sapilitan umanong dinala ng suspek ang biktima sa loob ng comfort room malapit sa lugar at dito ginawa ang panggagahasa.

 

Ang suspek ay 19 anyos at isang out-of-school youth. Ito ay sinampahan ng kasong rape at kasalukuyang nasa kustodiya ng Provincial Jail.

Ang dalawang magkakasunod na kaso ng panggagahasa sa norte ng Palawan ay ilan lamang sa maraming kaso ng panggagahasa na naitala ng Palawan Provincial PNP.

Ayon kay Police Superintedent Vicente Cabatingan ng Palawan Provincial Intelligence Branch na batay sa kanilang records, karamihan sa kanilang mga nahuhuli ay mga kasong rape. Kadalasan na sangkot sa kasong ito ay mga ama at ang biktima ay mga anak o kaya naman ay kamag anak.

 

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.