May-ari ng isang investment company, nahuli na


Huli ang isang lalaki na kinilalang si Jomar Dela Cruz a.k.a “Brylle Dela Cruz,” 22-anyos, residente ng Sta. Elena, Camarines Norte, may-ari ng Innov8 Beauty and Wellness – isang kilalang investment company sa lungsod ng Puerto Princesa, nitong Lunes, Marso 6.

Ang naturang suspek ay kasalukuyang hawak ng tanggapan ng Mendoza Police Station.

Ayon sa tala ng Pulisya bilang 35417, nahuli ang suspek na may Warrant of Arrest mula kay presiding Judge Angelo R. Arizala ng Regional Trial Court Branch 52, 4th Judicial Region na isinumite nitong ika-12 ng Enero.

Tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag sa Media ang naturang suspek.

Samantala, haharap sa kasong “Syndicated Estafa” ang suspek at nakatakdang ibalik sa ‘court of origin’ nito.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...